Custom Search

Wednesday, March 24, 2010

PRAWN SALAD


from celebrity guest Jolina Magdangal

Ingredients:

1 can fruit cocktail (drained/retain the syrup)
½ kilogram prawns
4 tbsps Mayonnaise
2 tbsps Syrup (from the fruit cocktail)
1 melon (cut into cubes)
1 avocado (cut into cubes)
Lemon juice
Salt and pepper
Lettuce

Cooking Procedure:

1. I-drain ang fruit cocktail pero huwag itapon ang syrup nito. Isama sa sinala na fruit cocktail ang melon at avocado na hiniwa into cubes.
2. Pagkatapos, ilagay muna sa chiller ang pinaghalong melon, avocado at fruit cocktail.
3. Habang pinapalamig ang fruit cocktail, maaari nang i-boil ang prawns o ang sugpo sa kaserola ng kumukulong tubig . Siguraduhin lang na hindi mao-over cooked ang mga sugpo. Kapag orange na ang kulay ng sugpo, ibig sabihin lang ay luto na ito. Maaari nang tanggalin ang mga sugpo sa kaserola.
4. Susunod, tatanggalin ang shell nito at hiwain sa kalahati. Huwag kakalimuting tanggalin ang mga veins ng sugpo.
5. Para sa salad dressing, paghalu-haluin sa isang bowl ang lemon juice, mayonnaise, salt at pepper.
6. Maaari ng kunin ang pinalamig na fruit cocktail sa chiller. Maingat na i-toss lahat ng mga ingredients sa ginawang salad dressing.
7. Kapag na-toss na ito ng maigi, maaari ng i-arrange ang salad sa serving plate na may lettuce leaves.

No comments:

Post a Comment